Magandang Balita mga kababayan!

Taipei, Agosto 16 (C N A). Napahayag ang isang negosyanteng lider nitong Miyerkules na ang taunang Minimum Wage Review Committee (Komite na nagsusuri ng Pinakamababang Sahod) ng Ministry of Labor ay nakatakdang magpanukala ng karagdagang umento sa pinakamababang sahod mula NT$21,009 hanggang NT$27,711 o mahigit-kumulang PHP 46,000 sa mga susunod na buwan sa taong ito.

Ang chairman ng Taiwan Confederation of Trade Unions (Unyon ng Manggagawa) na si Mr.Chuang Chueh-an (莊爵安) ,na miyembro din ng komite, ay nagpahayag na isang kasunduan ang nabuo tungkol sa karagdagang sahod.

Ibinihagi ni Mr. Chuang ang nasabing halaga bago pa man ang meeting nila ni Mr. Lin Mei-chu (林美珠) kung saan ito nangyari bago ang taunang meeting ng komite na nakatakda pa sa biyernes.

Dagdag ni Mr. Chuang, ang komite ay nagpanukala din ng dagdag sahod mula NT$133 hanggang NT$160 (Php 270) kada oras.

Samantalang itinanggi naman ni Mr. Lin ang mga ulat ng media kamakailan na ang Labor Ministry umano ay nagnanais na taasan ang pinakamababang sahod ng limang porsiyento (5%) sa NT$ 22,059 (Php 37,000) kada buwan at NT $140 kada oras.

 

 

 

 

This article was translated from a CNA article.

source: focustaiwan.tw/news/aeco/201708160016.aspx

Claire Libo-on

One thought on “Magandang Balita mga kababayan!

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: